Tuesday, September 12, 2006

Tanong

Sa paghagaspas ng hangin napagtatanto
Takot sa pangitaing muling nagmumulto
Sa bawat yabag, kaluskos ng kahapon
Sugat humahapdi, Oh di maghilom-hilom!
Pangyayaring nakalilito
Alinlangan’t pagkatuliro
Saan hahantong? Saan tutungo?
Gaya ng takatak ng ulan
Mata’y tumatangis, luha’y pumapatak,
Dumidilig sa tigang na nakaraan
Na syang muling nagpapabangon
Sa uhaw na halimaw ng kahapon ng ngayon
Saan hahantong? Saan tutungo?
Sagot sa tanong nais kong matamo…
Kailan? Saan? Paano?
O Sino…
Oo… sino…

----------------------------------------------------------------------------------------
From my Friendster Account Published on September 12, 2006

No comments:

Post a Comment